Noon:
Nung bata pa ako, nung wala pa akong alam sa kamunduhan. Pag nakaka kita ako ng dalawang taong nag hahalikan, sa tv man o yung kapatid kong dalaga noong mag bf pa lang sila ng asawa nya. Sabi ko paano kung di nag brush ng teeth yung isa dun? Parang kadirs yata.
Ngayon:
Minsan kahit bagong gising nyeta halik agad sa partner.
Noon:
Naalala ko pa noon pag hapon na, tapos Sabado, tatawagin na kami ng nanay ko para matulog. Diba pag Sabado tas walang school ang sarap mag laro o kaya mag babad sa tv? Kaya ang sama ng loob ko sa nanay ko pag pinatutulog na ko sa hapon. Pero syempre pag kagising ko naka handa na yung merienda ko.
Ngayon:
Matutulog ako hanggat gusto ko. Lalo na pag sabado!
Noon:
Pag sinabing mag sisimba kasi Linggo. Naalala ko excited ako kasi maisusuot ko nanaman yung paborito kong shoes. Tapos after ng Mass, direcho shopping at kain sa labas.
Ngayon:
Daming excuse. Kesho may work na kailangan tapusin or masama yung pakiramdam or just plain tinatamad mag simba.
Noon:
Sa school, pag may pinapagawang assignment o project yung teacher namen, takbo agad ako sa ate ko o sa kuya ko para mag patulong sa assignment o kaya sa tatay ko kung medyo mahirap yung project.
Ngayon:
Kelangan kong habulin yung deadline ko sa office. Kahit bente kwatro oras na akong gising. Patay na kung patay basta ma i-submit ko lang report ko.
Noon:
Nung bata pa ako maarte ako sa pang bahay na damit, ayaw ko ng na papawisan kahit medyo basa lang ng konte yung t-shirt ko, palit agad sabay tambak sa labahan ng nanay ko yung hinubad ko.
Ngayon:
Kung pwedeng lagi nalang akong naka hubad para wala na akong masyadong lalabhan gagawin ko.
Noon:
Noon pag may crush ako sa school man o sa isang kalaro. Grabe tameme ako. Super tsope ako noong araw.
Ngayon:
Leche ganon pa din ako. Walang pag babago!
Noon:
Noon pag inaaway ako ng mga kalaro ko o ng mga kapatid ko. Sorry lang yung katapat noon, tapos ayus nanaman. Parang walang nangyari.
Ngayon:
Minsan taon na muna ang bibilangin bago kami mag usap ulet.
Noon:
Kapag may problema sa bahay. Malalaman ko nalang pag tapos na ito at na solve na ng mga magulang ko yung problema. Minsan nga di ko na malalaman na nag ka problema pala.
Ngayon:
Nasa gitna lagi ako ng mga problema. Madalas ako pa ang toka na humanap ng solusyon.
Masarap siguro maging bata ulet. Pero hindi naman nawawala ang pagiging bata sa puso ko.
Paminsan minsan kailangan ko lang mag isip ng parang isang bata para maalala ko na minsan ganon lang pala kasimple ang buhay.

June 21, 2009 at 2:25 AM
Laugh trip ka magsulat! WAHAHAHAHAHA
Pwamis!
We should nevr forget the kid in us. Once we do, we cross over into that desert of despair and cynicsm where nothing ever grows.
June 21, 2009 at 6:14 AM
bakit ko nga ba napagpasyang sundan ang blog na ito?
simple.
i consider myself 'cubaoboy' too... ang kabataan ko-- naging paborito na ang SM Cubao tapos diretso sa Fiesta Carnival... ganun lang kahit na di rin gaano ko nalilibot ang Cubao noon. At sa paglaki, laking-tuwa ko na maraming magagandang pagbabago. Lagi pa rin akong dumaraan at tumatambay sa Cubao.
this blog makes me reminisce those kids days...
June 21, 2009 at 6:24 AM
ew: yup lets be like peter pan
June 21, 2009 at 8:12 AM
jason: cool cubaoboy ka din pala. I do miss the old cubao though, the cubao circa early 80s. i'd try to write a blog about that one day. thanks for following me. I'll follow u back if u dont mind.
June 21, 2009 at 6:24 PM
hahaha... pareho tayo hanggang ngayon, tameme pa din sa crush ko! nyahahah!
June 22, 2009 at 7:25 AM
Ey sweetie! LOVE this post. ;)
"Minsan taon na muna ang bibilangin bago kami mag usap ulet."
June 22, 2009 at 8:16 AM
wc: of all the things i could never grow out of eto pang pagiging tsope kainis grrr...
June 22, 2009 at 8:16 AM
Awww sweetie..