Mahirap pala talaga mag pa pasok ng iba, pag may tao paring umuukopa sa puso mo. Kahit gustong gusto mo nang palayasin e pilit paring na nanatili kahit nasa isang madilim na sulok lang siya tumatambay.
Ang problema kasi e yun din yung sulok na madalas kong linisan at tanggalan ng mga agiw. Kaya siguro gusto din niyang manatili dun kasi pinapanatili ko rin itong malinis. Kahit na anong pigil ko sa sarili ko, maya maya heto na naman ako, may dala-dalang malinis na basahan para tanggalan ng alikabok ang sulok ng puso kong iyon.
Alam ko darating din yung araw na tatamarin na rin akong linisan ang sulok na iyon. Pagkatapos siguro, gagawin ko nalang itong bodega ng mga ala-alang dapat manatiling ala-ala na lamang. O kaya siguro tatanggalin ko na ang madilim na sulok na iyon at papa lagyan ko nalang ng isang pintuan.
At pag pintuan na ang dating madilim na sulok, sana may kumatok at pumasok at mag pasyang manatili, hindi lang sa isang madilim na sulok, kung hindi sa maaliwalas na salas, sa masaganang kusina at sa komportableng kwarto ng puso ko.
-oOo-
July 21, 2009 at 6:11 AM
And hope springs eternal.
*hugs*
July 21, 2009 at 7:37 AM
o di kaya antayin mo ang taong kakatok sa puso mo. yung taong magpapalimot sa yo na linisin ang madilim na sulok.
July 21, 2009 at 10:22 AM
Love this post. Ey sweetie! Hang in there... mwahhh!
July 21, 2009 at 8:51 PM
pareho lang po tayong naglilinis sa space na iyong ng ating puso. kaya lamang. hindi nagtatagal ang mga dumadating at parang bisita lang sila.
sana nga rin mahanap ko na ang taong kakatok sa puso ko at open arms ko siyang tatanggapin sa buhay ko.
July 22, 2009 at 2:31 PM
nakakasawa rin ano?